Posts

Showing posts from April, 2021

Kung Hindi Ngayon, Kailan Pa?

Image
  Hudyat ng Reporma; Mamulat sa Nakagawiang Sistema                          Bilang obserbasyon sa mga nakalipas na taon, hindi ba ang mga kandidatong tumakbo sa posisyon sa mga nakaraang taon ay parehong mga taong pa rin sa ngayon? Sa mga taong ating nakasanayan, mayroon bang anumang palatandaan ng reporma ang ating natamo? Napabuti ba nito ang ating lipunan? Sa sitwasyon natin ngayon, ang kakayahan sa paglilingkod para sa lipunan ay tila naaagnas. Iilan sa mga nakasanayang diskarte ng gobyerno laban sa mga lumilitaw na mga problema ay hindi kailanman naging mabisa sa paghahandong ng isang matagumpay na solusyon. Ito nga ba ang siyang nararapat na pagtrato para sa ating pinakamamahal na bansa at ang mga mamamayan nito? O sadyang ang magulo at nakagawiang sistema ng lipunan na lamang ba ang siyang ating paiiralin?   Ang ating pamahalaan ay nawalan na ng puwang para sa isang makabago at modernong est...